Tuesday, August 29, 2023

Hindi na ako magiging pabigat

I want to say and share a lot of things, but I suppose the lesson to be learned now is to do less of that. I've muttered "Hindi na ako magiging pabigat" to myself while we talked in the morning, everytime I saw his picture, while I folded my laundry, took a bath, until I fell asleep. Hindi na ako magiging pabigat. 

Nahihiya na akong mahalin si Matt. Nahihiya na akong mag-take up ng space sa buhay nya. Pakiramdam ko, wala nang makakapagtama ng mga nagawa ko. Parang di na ako kapata-patawad. Lagi kong naalalang nasaktan ko siya tapos nalulungkot akong nagawa ko yun. Nahihiya na akong iparamdam sa kanya yung existence ko kasi pakiramdam ko, constant reminder lang ako na nasaktan ko siya. Ako lang naman yung pilit ng pilit sa kanya. Hindi ko mapatawad yung sarili ko. 

Ayoko nang i-burden siya with my life and with my presence. Gusto ko lang namang bumalik kami dun sa panahong okay kami tapos walang nagkikimkin, pero ngayon, pakiramdam ko, pabigat na lang ako sa kanya.

Lagi naman nyang gustong makipaghiwalay na. Baka tyina-tiyaga na lang ako. Ayoko talagang maging pabigat. Kaya nga ako mag-isa eh. Ako lang naman yung pilit nang pilit. Ang hirap magmatigas, pero kailangan ko nang sanayin sarili ko para di ako malunod sa lungkot sa dulo. Pakiramdam ko hindi niya na ako mapapatawad, hindi ko sinasabing entitled ako dun, hindi ko siya sinisisi. Lagi kong iniisip na galit siya sa akin. 

Siguro, pagod na akong maging pabigat.

Promise, hindi na nya malalaman pag umiyak ako. 


Sunday, August 27, 2023

Pag ako bawal magsumbat ng mga dating kasalanan, pero pag siya ge lang. Gets kong paulit-ulit, pero akala ko may agreement kaming magsasabi siya pag nakikita nyang

Wala pa pala ko kain buong araw kebs diet 

Ang unfair nga rin. Bakit ako yung mukhang may kasalanan lang? Bakit ako yung may expectation na magcommunicate lagi? Bakit pag sya na di nagcocommunicate agad, kailangan ako yung makaramdam? Bakit siya lang pwede maging dense? Hindi naman ako nangunguwenta ayokong manguwenta kaya di ko sasabihin na lang tsaka wala naman ambag sa relationship.

Pero pa-vent na lang. 

Tsaka bakit ba, sabihin na nating umiyak ako kasi nag worry akong nawala siya for a while. Ginamit nya pa against sa akin na nagshare akong umiyak ako, PERO. MALI. BA. AKO? Hindi! Hindi ko guni-guning something really was wrong. Sa tagal kong sinasabi yun, ngayon nya lang sinabing may problema pala sya dun? Parang nagiging nitpicky na lang din siya eh.

Anong aayos kaya dito maliban sa ayusin pa sarili ko. 

Bakit ako lang yung matigas ang ulo? Siya rin naman. Ayokong magalit eh, I wanna take the high road and be the bigger person pero ang lala din ng sumpong nya. Lahat pinag-aawayan. Ang iritable nya rin. May ganun din ako, pero hindi ko alam kung aware ba siya na ang iritable nya rin. Umaamin ako pag na-realize ko mali ko eh. Paano din mapag-uuspan nang maayos eh ang init ng ulo nya. Tama nga siya. Siya nga mainitin ang ulo. Tangina, kahit sa akin no? Kasi parang feeling nya siya yung tama at ako yung mali at siya lang yung nagpapasensya. 

Sa ngayon, sabi nya, sapat na yung nasa relationship kami para maging kampante sya. Panghahawakan ko 'to ah. Sige. I'll give him his space. 

Binabasa ko 'to atm. 

i was having a breakdown i wish matt was here im sorry i feel sad listening to this song bc ive annoyed him and made him doubt if hes enough i have to remember to avoid self fulfilling prophecies bc i seem to have forgotten. madaming tinotolerate si matt sa akin para hindi ko to itolerate din. hes always trying hes still here. he still says he loves me. thats enough. ang lala ng pagka insecure ko i should fix this. 

ive been singing the entire morning na lang



Monday, August 21, 2023

 Dumaan akong SM kanina kasi naglalakad ako pauwi from office. Naalala ko nung bigla na lang akong kiniss ni Matt hahaha kasi ang nice nung tinambayan namin. Kailan kaya ulit hays

Also, I was going over the photos on my phone and hehe nag away kami ni Matt nung nakaraan kasi sabi ko ang tagal na naming di nagkikita, I was under the impression we last saw each other nung July 2. Kaya I've been asking how we could have let that go on for that long. Man.

We saw each other last July 29. Barely even month since. I'm so sorry Matt. Can we just laugh it off I was dumb it was dumb.

I do miss him tho. 

Sunday, August 13, 2023

 I miss Matt. 

Saturday, August 12, 2023

I think I deserve to be alone. Wala pa rin akong ganang kumain. PC won't turn on. Matt is mad and we're not on good terms.


Friday, August 4, 2023