Tuesday, April 21, 2015

"Ano nga bang nangyari noon? Ah, tama. Dahil sa di-makatuwirang katuwiran at dahilang 'di mo na maalala e nagtangka kang magpakamatay."
"Si daddy kasi, e..."
"Eh bakit nga ba talaga? Anong puno't dulot ng lahat?"
"Di ko na maalala. Basta, napuno na ako."
"Napuno ka ng ano, hangin? Paano mo nga ba 'yun ginawa? Paano ka nagtangkang magpakamatay?"
"Alin dun? Nakailan na rin ako, e... Maglalaslas sana ako kaso nahuli ako. Bata pa 'ko nun. 'Yun ang una ko."
"Bakit mo ginawa 'yun?"
"Kasi ayaw makipagbati sa akin ni Ate Badet noon."
"Ang babaw. E, 'yung iba?"
"Magbibigti sana ako. Naghahanap na ako ng pwedeng pagsabitan ng tali, kaso kumatok si daddy. Ayoko namang mahuli. 'Di ko na lang din tinuloy."
"Nakakapanghinayang ba?"
"Ewan."
"Yung iba?"
"Yung bigti-bigtian pa rin, kaso laging nauudlot."
"Di pala counted 'yung mga nabanggit mo. May successful ka bang attempt?"
"E di sana di mo na ako kausap ngayon kung meron."
"Yun lang ba pinagmamalaki mo?"
"Di ah! 'Yung latest ko, medyo interesting 'yun."
"Ano bang nangyari?"
"Nag-away kami ni  Daddy. Tinopak ako. Umiyak ako. Maglalaslas sana ako, kaso masyadong madugo. Duwag talaga ako. Pag nagbigti naman ako, walang pagsasabitan nung tali."
"Anong ginawa mo?"
"Naghanap ako ng mga gamot sa bahay. Ininom ko lahat."
"Ilan ang ininom mo?"
"18 lang yata 'yun, e."
"Anu-anong gamot?"
"Halo-halo. Biogesic, Neozep, Tuseran. Kung anong nakita ko, yun."
"Bakit buhay ka pa ngayon?"
"Lumaban kasi ako."
"Nagpakamatay ka pero sinubukan mong mabuhay? Anong kagaguhan 'yan?"
"Nung nagising kasi ako kinabukasan, I took it as a sign that it wasn't my time. So I took it from there. Lumaban ako."
"O, tapos?"
"Sa public ward [?] ako na-confine. May kasama akong matandang halos di na makabangon at makahinga. Naisip ko, 'Kung yung matanda nga, gusto pang mabuhay, bakit ako hindi?' Leche, nakakahiya. Ang makasarili ko. 'Di ko naisip 'yung magiging resulta kung natuluyan ako."
"Halata nga. Masyadong magastos 'pag namatay ka. 'Yung sinabi mong pinagtawanan ka nung mga nurse nung sinabi mong nagtangka ka? Dapat lang 'yun sa'yo. Nakakahiya ka. Ikinakahiya kong nakilala kita."
"Ano kasi, nakakakita ako ng kutsilyo kagabi. Grabe, gustong-gusto ko talagang subukan."
"Bakit?"
"Ewan ko."
"Hindi. Ibig kong sabihin, ba't di mo sinubukan? Oportunidad mo na 'yun!"
"Nangako ako, e. Naalala kong sabi ko dati nung huli akong nagtangka, di na 'ko uulit."
"O, tapos? Anong gusto mong sabihin ko sa'yo? Proud ako sa'yo?"
"Ha?"
"Kailan ka ba magtatanda?"
"...