gusto ko iumpog ulo ko sa mesa ko
yan ang aking daily intrusive thought
Welcome to my humble abode, where corny jokes and thoughts abound! Fake laughter, tears, and sympathy are very much appreciated. Thank you.
May share ako. Hindi pa naman ako super desidido. Iniisip ko sigurong makipag-usap this weekend.
Ngayong nag-iisip ako, like wala namang point in keeping this up. Nung una, okay lang sa akin kasi di kami mayaman so fine. Ngayong nakaluwag kami, ang dami pa ring dahilan. Yung iba nga, nakakalabas naman kahit walang pera.
Nauumay ako sa routine namin.
And hindi din naman 'to para sabihing mali siya. Ganun lang talaga siya as a person, and ganito lang din talaga ako.
Nagkikita kami, pero ano ba yung tumunganga lang kami sa may seaside ba. Feeling ko kasi pag nagkikita kami, hindi nga kami ma-cellphone pero laging media consumption? Where are the conversations? Hindi ko nararamdamang lumalawak pag-iisip ko. Parang wala na siyang nacocontribute sa akin as a person, not that anyone needs to. Pero parang this life isn't serving me, alam mo yun?
I know you can never know someone completely pero I don't feel like we're getting to know each other anymore.
Siguro may problema din ako kasi di pa ako solid as a person, siguro kasi nagbago din naman ako. Pero I want to feel seen and I don't feel like he does.
And medyo TMI to, pero nagka dry spell kasi kami and we broke that streak recently, but I felt numb throughout and obviously didn't enjoy it. Para lang akong uminom ng tubig, mas enjoyable pa nga atang uminom ng tubig.
Willing naman sana ako to let this pass, if phase nga lang talaga 'to, pero I don't see us getting out of this. It'll come and go, then come up again.
Napapaisip ako kasi napapagiliran ako ng yappers (Ron, kawork onshore, at ng jowa ko)
Parang nawawala na yung pagkatao ko, parang nagshishrink na talaga ako lalo na kay Matt. Parang laging gusto niya nagdidikta sa buhay ko.
kaya minsan talaga di na ako motivated ibigay mga gusto nya. naeexcite ako dati pero ngayon di na. I'm not excited to do it even for the selfish reason of getting something in return. yes, i know i should be discussing this with him which i already did yung iba and didn't really get anywhere and nag aaway lang kami and ako yung nagmumukhang kontrabida for wanting kasi he's gonna be him, and im gonna be me.
Naasar ako dun sa sinabi niyang iniisip nya daw isurprise ako kaso di daw sya sure kung magugustuhan ko LOL sinabi ko naman na sa kanya dati pa na okay lang naman sa akin pero I think sinasabi nya lang yun para palusot na he thought about it pero he's treading carefully. And sapat na yung naisip nya yun kasi it's the thought that counts. Lagi siyang magsasabing mag unwind kami, and gets kong di naman para lagi kaming lumabas diba pero taena patay na utak at kaluluwa ko sa trabaho ko and I really want new experiences with him pero di mangyari.
Mahal ko naman yung tao pero pakiramdam ko talaga, mas lalong namamatay ako as a person.
Anong interest ko? Anong hobbies ko? Do people still perceive me as a person? Kasi I don't anymore.
It was so much better when I was sad. And I say this kasi dati may ginagawa pa ako. I don't dismiss the possibility that I'm romanticizing those times din.
Whatever this is is just as awful. Every phase of my life is too much of the same thing, I guess, that's why it's unbearable.