Tuesday, August 29, 2023

Nahihiya na akong mahalin si Matt. Nahihiya na akong mag-take up ng space sa buhay nya. Pakiramdam ko, wala nang makakapagtama ng mga nagawa ko. Parang di na ako kapata-patawad. Lagi kong naalalang nasaktan ko siya tapos nalulungkot akong nagawa ko yun. Nahihiya na akong iparamdam sa kanya yung existence ko kasi pakiramdam ko, constant reminder lang ako na nasaktan ko siya. Ako lang naman yung pilit ng pilit sa kanya. Hindi ko mapatawad yung sarili ko. 

Ayoko nang i-burden siya with my life and with my presence. Gusto ko lang namang bumalik kami dun sa panahong okay kami tapos walang nagkikimkin, pero ngayon, pakiramdam ko, pabigat na lang ako sa kanya.

Lagi naman nyang gustong makipaghiwalay na. Baka tyina-tiyaga na lang ako. Ayoko talagang maging pabigat. Kaya nga ako mag-isa eh. Ako lang naman yung pilit nang pilit. Ang hirap magmatigas, pero kailangan ko nang sanayin sarili ko para di ako malunod sa lungkot sa dulo. Pakiramdam ko hindi niya na ako mapapatawad, hindi ko sinasabing entitled ako dun, hindi ko siya sinisisi. Lagi kong iniisip na galit siya sa akin. 

Siguro, pagod na akong maging pabigat.

Promise, hindi na nya malalaman pag umiyak ako.