Sunday, August 27, 2023

Ang unfair nga rin. Bakit ako yung mukhang may kasalanan lang? Bakit ako yung may expectation na magcommunicate lagi? Bakit pag sya na di nagcocommunicate agad, kailangan ako yung makaramdam? Bakit siya lang pwede maging dense? Hindi naman ako nangunguwenta ayokong manguwenta kaya di ko sasabihin na lang tsaka wala naman ambag sa relationship.

Pero pa-vent na lang. 

Tsaka bakit ba, sabihin na nating umiyak ako kasi nag worry akong nawala siya for a while. Ginamit nya pa against sa akin na nagshare akong umiyak ako, PERO. MALI. BA. AKO? Hindi! Hindi ko guni-guning something really was wrong. Sa tagal kong sinasabi yun, ngayon nya lang sinabing may problema pala sya dun? Parang nagiging nitpicky na lang din siya eh.

Anong aayos kaya dito maliban sa ayusin pa sarili ko. 

Bakit ako lang yung matigas ang ulo? Siya rin naman. Ayokong magalit eh, I wanna take the high road and be the bigger person pero ang lala din ng sumpong nya. Lahat pinag-aawayan. Ang iritable nya rin. May ganun din ako, pero hindi ko alam kung aware ba siya na ang iritable nya rin. Umaamin ako pag na-realize ko mali ko eh. Paano din mapag-uuspan nang maayos eh ang init ng ulo nya. Tama nga siya. Siya nga mainitin ang ulo. Tangina, kahit sa akin no? Kasi parang feeling nya siya yung tama at ako yung mali at siya lang yung nagpapasensya. 

Sa ngayon, sabi nya, sapat na yung nasa relationship kami para maging kampante sya. Panghahawakan ko 'to ah. Sige. I'll give him his space. 

Binabasa ko 'to atm.