Friday, September 8, 2023

Dahil ang bilis mong magbasa dear viewer gagawin kong bagong post na lang kasi papansin ako. Na-realize kong ang deserve ko pala eh yung simp para sa akin. Hindi naman bobo na walang utak bc ew, but just someone who adores me and makes it felt and known. I like corny. I like cheesy. Why can't we act dumb with and for our significant others, right... pero yung may respeto pa rin sa boundaries ok my gosh

Ayun lang naman. 

Eto ang current favorite ko hehe I'm sorry I know it's been a while. Thanks for still dropping by. 

Nakakamiss na may nilalandi. Nakakalandi mood kasi yang kantang yan for me. Gusto ko lang mag slow dancing kahit na di ako marunong sumayaw or may kadikit lang basically tapos ramdam ko lang siya sa tabi ko. Wala akong finafantasize na tao na may maganitong moment, jowa ko lang minsan kaso di ko malandi jowa ko for some reason, not because I don't want to. Parang naging komportable na lang kami sa isa't isa. I know may maganda at pangit sa ganyan. Okay lang naman siya for me right now. Bago lang din naman yung feeling na ganito, kasi it's not like I've had long relationships. I've always been quick to drop out of relationships at the slightest hint of a lull, so this is foreign. Believe me. I'm seeing how it's not a bad thing, okay?

I just wish for those moments pa rin every once in a while. Pero di naman like yearning ko talaga siya. Okay naman ako right now. Di naman mabigat puso ko dahil diyan or malungkot ba, promise. Kalma lang ako. 

Tama rin nga si Matt sa lagi nyang sinasabing wag problemahin yung mga hindi pa problema. Kailangan ko rin 'tong itatak sa kokote ko. Galing galing ng utak ko mag-isip eh.

Sana mag-work out lahat for the best. Gusto ko lang gumaan pakiramdam ko kahit konti please. Ang hirap magdusa. Ang hirap maging mahirap, grabe.