Possible pala talagang magmahal ng tao tapos di mo na dama yung need na ipagpilitan yung sarili mo sa kanya tapos masaya ka na lang para sa kanya tapos gusto mo lang na andun siya kaya kung ibig sabihin nun, ganun na lang. Safe na rin naman 'to. Kung oo, e di oo. Kung hindi, e di hindi.
Syempre, ramdam ko namang di ko rin naman aayawan kung sakaling masuklian 'to—he's what comes to mind even on my darnedest, drunken nights, pero he doesn't have to know anymore. I'll just be around him, and he'll just be around me, and that's okay.
Or epekto lang ba 'to ng Boyhood ni Linklater? Lol. I didn't really think I'd take the time to listen to Beatles songs back to back, but now I appreciate the song.
Siguro ito yung kapalit nung pag-iyak ko sa highway last weekend habang nakikinig din sa mga kanta. Siguro kahit naman masakit nung time na yon, alam ko namang deep down na hindi talaga. Okay lang. Biruin mo, nalasing ako, pero never ko siya dinrunk chat. May restraint na yiee. Haha. Magsasabbatical na rin talaga ako sa mga lalaki.