Sa totoo lang, gusto ko pa ring gawin yung magdadala ako ng pagkain sa bag ko tapos ipamimigay ko sila lahat sa sinumang madaanan kong may kailangan. Kanina namigay ako ensaymada tsaka lollipop dun sa batang natutulog sa may overpass-ish sa Festival. Minsan, napapaisip ako kung totoo ba yung haka-haka na the beggars are planted on the streets by the syndicate and that it's actually a long-running business, pero kahit na di ba? Sino ba talagang makakapagsabi? At kung ganun man, why would they do that job kung maalwan talaga buhay nila kasi ibig sabihin dapat nun, may iba silang option para makapag-hanapbuhay. Resulta lang din naman sila ng palyado nating sistema.
Anyway, dinagdagan ko ng lollipop yung binigay ko kasi naalala ko nung bata ako, gusto ko rin yung lollipop ng Goldilocks tapos na-enjoy ko naman yun. Sana siya rin. O baka may kapatid siya.
Anyway, nabakunahan na ako and sa totoo lang, ngayong pauwi na ako, it dawned on me na malungkot ako. Naiyak nga ako bigla sa jeep. Hindi ko rin alam bakit. Buti na lang may face mask, kaso agaw-pansin yung buhok ko ngayon. I also bleached my hair and I'm liking it.
Eto talaga gusto kong i-share: ang saya sa feeling yung may ibang tao akong naimpluwensyahan/napaisip. Kasi yung ka-work ko nakarinig siya na may nagrereklamo daw na bakit mas nauna daw mga indigent sa mga A4 na tayo naman daw nagbabayad ng buwis at mas may ambag kumpara sa mga indigent tapos parang banas na banas pa yung tao. Tapos kumatwiran ako na eh yun na nga, sila yung walang access kung tutuusin sa bakuna so bakit sila yung mas pagkakaitan. Kapag tayo nagkasakit, oo, mababaon tayo sa utang pero para sa kanila, baka nga hayaan na lang mamatay yung tao dahil nga sa kakulangan sa pera o access sa loans, etc. Mas wala na ba silang karapatang mabuhay kesa sa atin? Tapos sabi nung kausap ko, oo nga rin, di niya raw naisip yun. Sa totoo lang, hindi ko masyadong sigurado kung may sense ba yung sinabi ko pero ayun. Pero feeling ko may point naman di ba? Mas vulnerable naman kasi talaga sila sa atin? Tsaka di porket tayo yung araw-araw pumapasok sa office eh less exposed na sila. Pwede rin naman kasing may raket sila na kakakailanganing lumabas din sila. Ang paghahanapbuhay naman kasi eh hindi lang yung nairereport mo sa BIR.
So ayun. Masaya ako kasi nabakunahan na ako. Sorry kasi gumamit ako ng kapit. Malungkot din talaga ako. Mas nakakalungkot ding hindi ako pwede uminom.
Sa totoo lang gusto ko ring dumayo kina Ryan ngayon. Pero siguro mainam na ring wag na lang muna. Sana sa Biyernes.
Lintik na traffic 'to, naiiyak na talaga ako :( Side effect din ba 'to ng bakuna?
**
Hello, nakauwi na ako. Sa totoo lang, ang dami kong gustong tanungin, gusto ko lang siyang kausap pero di ako pwedeng masyadong mangulit. Tsaka need talaga ng mga tao ng boundaries. Otherwise, they'll feel smothered.