Ang hilig kong takutin at sirain sarili kong ulo pag mga ganitong oras. Tuwing natutulala ako sa kisame, hinihintay ko na lang mapatakan ako ng dugo o makakita ng hibla ng buhok o kaya mamalikmatang may nakangiti sa tabi ko.
Natatakot din akong tumingin sa salamin sa gabi kasi baka hindi ako yung makita ko.
Tuwing binubuksan ko yung ilaw, nagmamadali ako kasi baka may kamay akong makapa sa pader. Minsan, gusto kong pumikit o kaya mag-iwas ng tingin pero madalas, mas gusto kong makasigurong wala nga. Wala nga naman talaga.
Nakakatakot makakita sa dilim, pero pipiliin ko bang maging bulag?
Hindi.
And this is the cause of my unease.
Minsan gusto kong magmakaawang mahalin na ako ng kahit sino na lang. Baka sa sobrang lungkot ko, kung multuhin man ako, baka yakapin ko na rin siya.
Nakakalasing ba ang kape? Parang hindi dapat.
I tell my stories because I know I'll forget, and what am I but all these everydays. I'm sorry I passed onto you the burden of remembering even when those memories are my liability.