Sunday, February 18, 2018

In My Lonely Hours

Sige, maliligo na ako.

Babangon, magsusuklay, maghihilamos.
Maghihilod, magsasabon at magsisipilyo.
Baka lang naman sakaling matanggal at maalis na tong nakaraang ang tindi ng kapit sa balat ko--itong demonyong nakasusulasok ang baho.

Sige, maliligo na ako.

Magbibihis, magkikilos-tao, lalabas ng kwarto.
Kakain, pansamantalang bibitaw sa telepono. . .

Pero, puta, pagod na ako.
Puta, paos na ako.
Puta, bakit ba ganito?

Nasisikatan ng araw, pero di naagnas.
Ilang krus na ang iniharap, ngunit di pa rin nagwawakas---
Teka, ano'ng dapat magwakas: ako ba o ang parusa?

Ilang araw na'ng nagdaan; wala pa ring pag-usad.

Kahit anong gupit ng kuko'y hahaba rin,
Kahit anong ligo ko'y babaho rin,
Kahit anong sipilyo'y, lalabas din
ang katotohanang "wala kang kwenta!"
"Wala kang patutunguhan!"
"Demonyo ka!"
"Putang ina!"

'Tang ina nga!

Pagod na talaga ako. . .

Pero sige, maliligo pa rin ako.
Magbibihis-tao; magpapanggap na tao, at baka isang araw, may magbago.